Kultura ng pilipino.
Ang Kultura sa Pilipinas Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
“Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling buhayin.”
Mga Kultura sa Pilipinas:
- Wika
- Paniniwala
- Tradisyon o Kauglian
- Pagkain
- Sining
- Kasuotan
- Relihiyon
Wika – Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Sa Pilipinas, ito ang mga sumusunod na malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa:
Filipino: ay ang pangunahing wikang sinasalita sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
Tagalog: sinasalita ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ito ng mga nasa rehiyon sa CALABARZON AT MIMAROPA. Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
Ilocano: pangunahing wika ng mga taga HILAGANG LUZON at ginagamit din ng mga taga nasa rehiyon 1 at 2.
Panggasinan: Ginagamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
Kapampangan: Sinasalita ng mga taong naninirahan sa Gitnang Luzon Bikolano: Wikang sinasalita ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
Cebuano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao.
Hiligaynon: Tinatawag na Ilonggo. Sinasalita sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
Waray-Waray: Wikang ginagamit sa mga lalawigan sa pulo nf Samar at Leyte sa Silangang Visayas. ·
Pagkain Ang mga Pilipino ay madaming kinahihiligan. At isa na doon ay ang pagkain. Eto ang mga halimbawa ng mga pinakasikat na pagkain ng Pilipinas: Lechon, Adobo, Menudo, Caldereta, Paksiw, Bicol Express, Bibingka, Puto Bumbong at ibp. ·
Mga Tradisyon o Kaugalian ng mga Pilipino Ano nga ba ang “tradisyon o kaugalian”? Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila. Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin. Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipino; Piyesta, Senakulo, Mamanhikan, Harana, Simbang Gabi, Flores de Mayo. ·
Madalas na Kaugalian Pagmamano – ito’y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga nakatatanda sa kanila. Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao. Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.
Paniniwala Sa Kusina:
Bawal kumanta sa harap ng kalan – may masamang mangyayari.
Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata. Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.
Sa Kasal:
Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.
Kapag may sumakabilang-buhay
Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong – upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto Bawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.
Iba pang pamahiin: Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin . “Friday the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama. Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu. Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa. · Sining Ang mga Pilipino ay malikhain tao. Sa iba’t ibang klase ng sining, makikita ang mga talento ng mga Pilipino. Sayawan: Tinikling, Singkil, Pandanggo sa Ilaw, Laro: Tumbang Preso, Patintero, Piko, Sipa, Palo-Sebo
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento