Kultura ng pilipino.
Ang Kultura sa Pilipinas Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. “Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling buhayin.” Mga Kultura sa Pilipinas: Wika Paniniwala Tradisyon o Kauglian Pagkain Sining Kasuotan Relihiyon Wika – Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Sa Pilipinas, ito ang mga sumusunod na malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa: Filipino: ay ang pangunahing wikang sinasalita sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas. Tagalog: sinasalita ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon.